Page 1 2 3 »
(x)mglid3rz Aug 9th 2012, 12:01pm
PERSONAL ARTICLE

CREATED BY : GLID3RZ The RULE OF THE SPEAR via COLORNOTE v3.8.7 application for ANDROID and published through Opera/9.80 (Android 2.3.6; Linux; Opera Mobi/ADR-1111021303; U; en) Presto/2.9.201 Version/11.50

ALMOST : HALOS
(ang salitang nakakapang-hinayang)


*


ang katagang "HALOS" ay di na bagong tugtugin para sa ating dalawang ta-enga. pero sino ba ang parokyano ng salitang ito!? at bukod sa lahat, kailan lumalabas sa bibig ni Juan ang salitang halos!?

nabubuhay ang tao ayon sa kanyang sariling desisyon, lalo na sa panahon kung kailan nya natututunan ang EMANSIPASYON o ang pagtayo sa sariling paa. Sa desisyong hawak ng ating mga kamay hindi lahat ay pinapalad tayong pagtagumpayan ang ilan sa mga bagay bagay.

may mga pangyayari na itini-take lang natin for granted, basta matapos lang ang araw na malampasan sya okey na para sa iba!, Kadalasan ito pala ay ilan sa mga mahahalagang bagay na bubuo sa mas maayos na komposisyon ng ating buhay.

"sayang! HALOS malapit ko ng maabot ang passing score para sa Midterm Exam" -- Tinuro un sa amin lahat eh!

Sa ganyang uri ng konotasyon, makikita mong may pagkakataon na ang isang tao para ma-hit ang goal na makapasa, pero dahil kulang sa "WILL" o "KAGUSTUHAN", cguradong mauuwi ang lahat sa wala.

Bukod sa tipikal na halimbawa ng naunang senaryo, may mga aspeto din sa buhay ng iilang tao na ang salitang "HALOS" ay lubhang madrama.

"HALOS may pagkakataon na syang humingi ng tawad bago mamatay ang kanyang ina pero di nya nagawa!"

nakakalungkot isipin pero may mga bagay na humahantong sa ganyang punto.

ang salitang "HALOS" ay negatibo, isang salitang may bahid ng panghihinayang para sa ispesipikong bagay. kung matututunan lang ng lahat ng tao na pahalagahan ang mga pagkakataong dumarating sa kanya, siguradong wala ng salitang "HALOS" ang maririnig

sa bandang huli, ikaw parin ang kapitan ng iyong sarili, maglayag ka ng may direksyon at suungin ang balakid sa paglalakbay ng buong tapang at kagustuhang makarating sa iyong paroroonan. 
» 2 User(s) likes this.

(x)monewayjesus_147 Aug 9th 2012, 12:03pm
salamat sa words of words .rofl. 

(x)mpasador Aug 9th 2012, 12:03pm
-1st-

-ou nga pre -duh- 

(x)fhien003 Aug 9th 2012, 12:05pm
halos mauna na magpost yung isa, naunahan nga lang .rofl. 

(x)mpasador Aug 9th 2012, 12:05pm
sayang na naunahan aq. nakakapanghinayang. -duh- 

(x)monewayjesus_147 Aug 9th 2012, 12:10pm
bat nanghnayang nasa taas ko -pmpl--haba- 

Page 1 2 3 »
 
Pinoy ChitChat Forum
Forum Index
Home