Page 1 2 3 »
(x)mserena_gail Jul 22nd 2012, 11:16am
Anim Na Babala Sa
Kwentong Multo Huwag mong basahin kung natatakot ka. Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa. Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo. Huwag mong basahin kung malikot ang iyong
imahinasyon. Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay! Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga
Kwentong nabasa mo! 
» 1 User(s) likes this.

(x)fkatho8 Jul 22nd 2012, 11:17am
amazing. . .-read- muna aq 

(x)fkatho8 Jul 22nd 2012, 11:18am
ey bkt va gus2 q nga mbsa. .sound interesting star na . .-daydream- and -read- m0wd 

(x)mmethamp3t4m1n3 Jul 22nd 2012, 11:20am
nakakapagpakagabag naman yan -pickeat- 

(x)mserena_gail Jul 22nd 2012, 11:20am
Ang Mekaniko July 2nd, 2012
Sino ang mahiwagang MEKANIKO? Natatabingan ng ulap ang buwan. Nananaghoy ang
kahol ng mga aso sa karimlan.
Ayon sa mga paniniwala, sa
ganitong panahon na papaliit
na ang buwan, lumalabas ang
mga maligno. Hindi na iyon pinag-uukulan ng pansin ng
marami lalo na ng mga abala
sa paghahanapbuhay. Wala na
ang mga paniniwalang yaon
sa makabagong pamumuhay
sa umuunlad na kabihasnan. Sa bukid man, naiilawan na rin
ng maliliwanag na bombilya
ang mga bahay at ang dati y
madilim na kalsada ay
naiilawan na rin. Wala na ang
kinatatakutang pusikit na karimlan. Wala na rin ang tila
daing na huni ng mga kuliglig
at bibihira na ring makita ang
mga alitaptap. Di gaya ng dati,
wala nang dapat ikatakot ang
mga ginagabi sa pag-uwi ng bahay. Ngunit ang mga kababalaghan
ay hindi nagwawakas. Delayed ang arrival ng sinasakyang eroplano ng anak
ng aking Kumpareng Estong.
Alas kuwatro pa lamang ng
hapon ay nasa Ninoy Aquino
International Airport na kami
upang salubungin ang darating niyang anak na Nurse
na galing sa London. Mag-aalas
nuwebe na nang makalabas
ng airport ang aming
sinalubong. Araw ng Biyernes
noon at ang kahabaan ng South Superhighway ay
nagsisikip pa rin sa gayong
oras sa mga sasakyang
papauwi ng probinsiya.
Lampas na ng hatinggabi nang
kami ay dumating sa bahay ng aking kumpare. Hindi ko
na pinaunlakan ang anyaya na
magkape man lamang kami.
Malayo pa ang lalakbayin
kong pauwi sa aming nayon.
Naghihintay at nababahala na ang aking mag-iina. Una kong napuna ang tila lumalabong ilaw ng aking
Tamaraw FX hanggang sa
tuluyan nang mamatay ang
makina ng sasakyan. Bahagya
man ang liwanag ng
naglalahong buwan ay naaninaw ko pa rin na malapit
ang hinintuan ko sa lumang
talyer. Una kong kinuha ang
aking flashlight ngunit
bahagya na rin ang liwanag
niyon dahil luma na ang baterya. Kinuha ko ang maliit
kong tool box at binuksan
ang hood ng aking sasakyan.
Hindi ko mawari ang aking
gagawin nang may lumapit na
lalaki at binuksan ang aking tool box. Isang spanner at
isang screw driver ang kinuha
niya at walang kibong
kinalikot ang makina ng
aking sasakyan. Sa gayong
oras ng gabi at mahigpit na pangangailangan ay hindi ko
na nakuhang magtanong
kung sino siya. Hindi nagtagal,
sinenyasan niya akong i-start
ang makina. Habang kinakapa
ko ng susi ang susian sa dashboard ay isinara niya ang
hood. Isang click lamang at
umandar na ang sasakyan.
Makinis ang andar. Kakausapin
ko sana ang mekaniko upang
mapasalamatan at mabigyan man lamang kahit kaunting
pabuya ngunit wala na siya.
Luminga-linga ako ngunit
hindi ko na siya nakita. Ang
aking pagtataka ay pinukaw
ng huni ng isang kuwago sa di kalayuan, at ng ingay ng tila
nabulabog na mga paniki.
Humahagunot ang mga
pakpak ng mga iyon habang
umaaligid sa akin. Kinilabutan
ako kaya nagmamadaling pinaharurot ko ang FX pauwi
ng bahay. Hindi ko na
naiparada nang maayos ang
sasakyan. Nagtatakang
sumalubong ang aking asawa. Alas otso pa lamang ng umaga, kinabukasan, ay
naroon na ako sa malapit sa
talyer na hinintuan ko nang
nakaraang gabi. Tahimik ang
lugar at kahit isang tao ay
wala akong nakita. Nilibot ko ang paligid at mga lumang
goma na lamang ng sasakyan
ang nakita ko at ilang
kalawanging chasis ng kotse.
Sa ayos ay matagal ng hindi
ginagamit ang talyer na iyon. Ibinalita ko sa aking kumpare ang nangyari. May
bahid ng kalungkutang
nakabadha sa mukha niya
nang sumagot sa akin. Pare,
si Basilio iyon, ang dati naming
mekaniko sa lugar na ito. May dalawang taon na siyang
namatay sa aksidente sa lugar
na iyon. Nasagasaan siya ng
lasing na drayber. Ilan na rin
ang natulungan niya ng tulad
sa nangyari sa iyo. Bagamat nangatatakot ang mga
tinulungan niya ay
nagpapasalamat pa rin sila sa
ginagawa ng multo ni Basilio.
Ipagtirik mo na lamang siya
ng kandila bilang pasasalamat sa kanya. May bakas pa ng mga naupos na kandila sa gilid ng
talyer nang magtungo ako
roon. Sinindihan ko ang dala
kong kandila, umusal ng
dalangin, at nagpasalamat sa
mekaniko. Wakas! 

(x)mserena_gail Jul 22nd 2012, 11:23am
Laruang Bisiro

Anong kilabot ang hated ng LARUANG BISIRO? 

Page 1 2 3 »
 
Readers Digest Forum
Forum Index
Home