Page « 144 145 146 147 148 »
(x)mdenz777 Aug 22nd 2011, 10:38pm
Cge p0st lng kau pra may mabasa nan..10:38 plng..Hay 

(x)mkholetkenneth Aug 22nd 2011, 10:40pm
just want to share...

kwento lang sakin to nung bestfriend ko nung teambuilding namin sa baguio nung may 16...

my bestfriend's brother is taking up medicine right now at trinity college. nung nag intern daw yung bro nya sa san lazaro hospital, ganito raw ang madalas mangyari:

*pag 3 am... sa tuberculosis ward nila, mamatay ang kuryente tapos lalamig daw... and then, may mamamatay na patient.. it never fails daw...

*one time daw he was in an elevator with a friend who has a third eye, pag sakay daw nila... yung light sa elevator nag flu-fluctuate, tapos bigla daw lumamig... nag tataka sya... then na-notice nya yung friend nya nakatungo lang daw.. when they got out of the elevator, hinanap daw ng bro ng bestfriend ko yung utility man para paayos yung light sa elevator, sabi nung friend nya, "pare walang sira yung ilaw sa elevator... may nagsasayaw na babae dun sa taas nung elevator..."

FREAKY!!!
-LaDY_DaWN 

(x)mkholetkenneth Aug 22nd 2011, 10:41pm
kwento ulit nung bestfriend ko... (sorry howie.. heheheh ginagawa kong material yung kwento mo sakin about Jay...) *bop*

dunno kung na post ko na to... post ko na lang siguro ulit..

one time my bestfriend and i went out on a gimmick... tapos we got home at around three in the morning... pagtapos nya ako hinatid sa bahay.. syempre umuwi na sya sa house na.

pag pasok daw nya ng bahay, he went directly to the kitchen, got a glass of water tapos umupo sa sofa to take his shoes off, nung nilagay na nya yung shoes nya sa shoe rack, bumaba daw yung brother nya tapos ang sabi sa kanya...

"O, kakauwi mo lang? E sino yung sinisigawan ko sa rooftop kanina? akala ko ikaw... kaboses mo eh... tapos nung sinisigawan ko, sumasagot pa..."

YIKES!!
-LaDY_DaWN 

(x)mkholetkenneth Aug 22nd 2011, 10:42pm
Ok ako naman

This was 2 years ago when I was still in 3rd year highschool. I was all "Alone" in our house. I was taking a bath when I heard three knocks on the bathroom door, then I looked at the door and saw it open, una inisip ko "nyek nakalimutan ko i-lock yung pinto".Then naisip ko "Put@! ako lang mag-isa dito ah!" Realizing my situation nag-bihis kaagad ako tapos tsinek ko yung bahay, naka-lock naman yung main door ng bahay and wala namang ibang tao....

missed class the next day
-Nightmare_Beta 

(x)mkholetkenneth Aug 22nd 2011, 10:43pm
weh.

kakalipat lang kasi namin ng bahay, siguro 1 month pa lang kami dun. last week, namamalantsa ako ng damit, si hubby naman saka yung baby namin nanonood lang sila ng tv and mejo malayo ako sa kanila pero nagkakakitaan kami. after 30 mins pahinga muna ako sandali so, hininaan ko muna yung init ng plantsa then punta ako kina hubby at nilaro ko si baby. pagbalik ko sa plantsahan, nagtataka ako bakit lukot pa rin yung pinaplantsa ko, pagtingin ko sa extension cord naka-off, taka ako ngayon kasi sa pagkakaalam ko ndi ko naman ni-off yung extension cord yung plantsa lang hininaan ko.. hmmm.

isa pa, madalas itong mangyari, sa peripheral view (spell check?) ng mata ko madalas may nakikita akong biglan liwanag tas pag nilingon ko wala naman. or biglang may gagalaw na nakikita ko sa gilid ng mata ko pag nilingon ko kahit mabilis wala naman.

last na to, i dunno kung multo ito. pero habang naglilipat kami nuon, andun ako sa room namin, naglilinis ng gamit. kasama ko lang at that time eh si hubby and yung pamangkin kong 2 bata. so habang nakabukas yung pinto ng kuwarto ay naglilinis ako, tas maya-maya may naririnig akong umiiyak. whoaa, nag-init yung katawan ko at that time saka feeling ko namula ako. bigla pa akong kinabahan. tas takbo ako sa labas dun sa may salas, tas kita ko yung 2 pamangkin ko naglalaro and their mimicking sounds of animal. di ko ngayon alam kung totoong hagulgol yung narinig ko or yung mga pamangkin ko lang yun.
-draindead 

Page « 144 145 146 147 148 »
 
Readers Digest Forum
Forum Index
Home