Page « 6 7 8 9 10 »
(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 04:15pm
CHAPTER 13: Confession

Mabilis lumipas ang araw ng linggo ko marahil excited na akong pumasok. Makikita ko na naman kasi si Cyrus. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangyayari nung sabado, kung paano kami kumanta, nagkulitan, kumain at ang buong pangyayari sa araw na iyon. Ang saya talaga sana ganoon nalang palagi. Sana siya na nga ang superman ng buhay ko.

Pagkarating ko ng eskwelahan ay agad naman akong tumungo ng locker na nakasanayan ko na simula ng sinulatan ako ni Superman. Pagkabukas ko ng pinto ng locker ay buti na lamang at may nakita akong papel. Sa wakas sumagot na siya akala ko di ko na siya makakausap uli eh, sa isip isip ko.

how s ur weekend?
hope u had a lot of fun (:
i really miss you a lot!
u know what?
i thought that 'TiME' has already come
and i was suppose to reveal hu am i,
but i was wrong,
i might have better luck next time.
take care my princess (:

Yours truly,
Superman

Wow, grabe si Superman englishero. Baka porenjer toh at hindi si Cyrus? Hala! Anyway nanosebleed ako sa sinabi niya ah. Teka my princess? Ako ba ung tinutukoy niyang princess na yun? Baka ako nga, kakilig naman. Sayang magpapakilala na pala siya. Bakit kaya hindi natuloy? Makasagot na nga lang sa sulat niya.

akala q nd k n ssgot s last letter q!
i miss you too superman! bleh!
super saya ng weekend q! sobra..
ksma q ksi si superman ng lyf q eh,
si superman torpe hehehe! jowk lng =)
ingat din superman!

"Uyy sino kaya yang sinusulatan ni panget?" pangangantyaw ni Joshua na hindi ko naman napansin na nasa likod ko at tinitignan ang ginagawa ko. Nabasa kaya niya? Hay nako talaga naman!

"Chismoso ka noh? Kalalake mong tao nakikibasa ka ng sulat ng may sulat!" pagsusungit ko naman sa kanya nakakainis kasi nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig bigla siyang eeksena!

"Bakit ang sungit mo? Kakamustahin ka lang eh sinusungitan mo na ako agad. Tsaka hindi ko binabasa ung sinusulat mo ah!" pagpapaliwanag naman niya.

"Hindi ba? Akala ko binabasa mo eh. Sorry naman." pagpapaumanhin ko naman sakanya.

"Sorry, sorry. Ikaw na nga tong babatiin tapos susungitan mo pa." pabulong na sabi ni Joshua.

"Sorry na nga po eh diba? Bati na kami niyan ni panget." sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang magkabilang pisngi niya. Paglalambing kumbaga.

"Oo na. Matitiis ba kita (pabulong niyang sinabi.)" sagot naman ni Joshua sakin habang pinipisil ang ilong ko.

"Ano? Ano? Parang may binulong ka eh." pagtatanong ko naman sa kanya dahil may binulong siyang hindi ko narinig ng maayos.

"Binulong? May narinig ka?" pagtataka naman niyang tanong.

"Wala po." pagwawalang bahala ko namang sagot sa kanya.

Dumating na nga ang teacher namin at kanya-kanya naman kaming balik sa mga upuan namin.

"Chloe, usap tayo mamayang recess ha!" sabi naman ng seatmate kong si Janine.

"Ay oo nga pala! Sige." pangiti kong sagot sakanya.

"Ok class. I have an announcement." sabi ng teacher namin. Ano kaya yun? Siguro walang klase? Sana nga. Hehehe. 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 04:16pm
"I would like you to welcome back Ms. Ericka Reyes." pagdugtong naman niya at sabay pagpasok ni Ericka sa classroom ng nakauniform. Lahat naman pati ako ay sinalubong siya ng palakpak at nilapitan para batiin maliban kay Cyrus na hindi natinag sa kanyang pagkakaupo.

"Thanks for your warm welcome. I miss you a lot guys especially Cyrus." pagbati naman ni Ericka sa amin. Sabay kantyaw ng buong klase dahil sa pagkakaspecial mention ng pangalan ni Cyrus. Inaamin kong malungkot ako sa pagdating ni Ericka dahil baka magkabalikan sila pero ok lang yun kung masaya si Cyrus masaya na rin ako.

Nang tumunog na ang bell na naghuhudyat na recess na namin ay magkasabay naman akong inaya nina Joshua at Cyrus na magrecess.

"Chloe recess na tayo." sabi ni Joshua. "Tara Chloe." sabi naman ni Cyrus.

"Sabay pa kayo ah. Sige mayang lunch nalang ako sasabay. Mag-uusap pa kami ni Janine eh." sabi ko naman sa kanilang dalawa at sumunod ako kay Janine na kasalukuyan ng nasa pinto.

"Cyrus, Joshua, tara let s eat together. Treat ko kayo. Medyo bitin tayo nung first meeting natin dito sa school eh. I miss you both." narinig kong pag-aaya ni Ericka sa dalawa.

"No thanks. May gagawin pala ako. Kayo nalang dalawa." pagtanggi naman ni Cyrus.

Nang makarating ako sa kinatatayuan ni Janine ay binati ko siya agad.

"Uy Janine. Ano nga pala pag-uusapan natin?" tanong ko naman sakanya.

"Chloe, tara dun tayo sa library." pag-aaya niya sakin. At agad din naman kaming pumuntang library. Pagkarating namin sa library ay umupo kami dun sa gitna ng mga bookshelves at nag-usap.

"Chloe diretsahan. Tomboy ka ba?" nakakagulat na tanong sakin ni Janine. Nanlaki talaga ang mga mata ko sa tanong niya.

"Ha? Mukha ba akong tomboy Janine?" pagbibiro kong tanong sa kanya. At umiling siya.

"Hindi pala eh. Bakit mo naitanong yun? Kagulat ka naman." muli kong tanong sakanya.

"Kasi... Kasi..." pagaalinlangan pa niyang sagot na hindi makatingin sa aking mga mata.

"Kasi?" tanong ko naman.

Bakit nga kaya? May gusto kaya si Janine kay Chloe? 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 04:17pm
"Kasi... Alam mo Chloe... Ano eh..." pagaalinlangan parin ni Janine na sabihin.

"Ano un Janine? Wag ka mahiya." pangungulit ko.

"Kasi hindi naman talaga malapit si Joshua sa mga babae eh. Nung bata pa kami hindi talaga siya nakikipaglaro sa mga babae. Kung hindi ka lalaki hindi ka niya papansinin." pagkukwento naman ni Janine.

"Ahhhh.... Hindi ko magets Janine. Pasensya na. Hehehe." sagot ko sakanya. Hindi ko talaga magets bakit niya sinasabi yun. Siguro gusto niyang sabihin bading si Joshua! Hahaha! Para nga namang bading yung lalaking un ang arte arte.

"Nagtataka lang kasi ako kung bakit ikaw pinansin niya kahit babae ka?" pagtatanong niya.

"Hindi ko rin alam Janine. Uhm, gusto mo bang palabasin na bakla si Joshua?" pagbibiro ko naman sakanya.

"Ah! Hindi ah! Hindi bakla si Joshua!" pagtatanggol naman niya.

"Itong si Janine defensive. Nagtatanong lang eh." sagot ko naman habang natatawa sa naging reaksyon niya. Tingin ko alam ko na bakit niya toh sinasabi sakin.

"Matanong ko lang Janine, kailan ka pa nagkilos lalake? I mean yang anyo mo ngayon?" tanong ko sakanya at napansin kong medyo namula ang mga pisngi niya. Hindi rin naman siya sumagot kaya nagsalita na lang ako uli.

"Dahil ba yan kay Joshua kaya nagbihis at kilos lalake ka? Aminin mo na Janine tayo lang makakaalam niyan." pambubuking ko sakanya. Tumungo siya bilang senyas ng pag-oo niya.

"Sabi na nga ba eh. Janine, what if bukas magbihis babae ka? Malay mo hindi na ganun kasuplado si Joshua gaya ng dati at mapansin ka niya, ang maganda pa dun baka magkagusto pa siya sayo diba?" pagpapayo ko naman sa kanya. Maganda naman tong si Janine eh hindi lang napapansin dahil nga sa pagtotomboy image niya. Sayang talaga siya kung nagkataon.

"Imposibleng magustuhan ako ni Joshua! Kasi ikaw ang gusto niya! (kasabay ng pagring ng bell)" sagot naman ni Janine.

"Nagbell na Janine. Balik na tayo sa room." pag-aaya ko sakanya. Medyo hindi ko narinig ang sinabi niya, ang bingi ko talaga.

At bumalik na nga kami sa room, hindi pa naman dumarating ang teacher namin kaya muli kong kinausap ko si Janine.

"Ano nga uli ung huli mong sinabi?" tanong ko naman sakanya.

"Aba. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng pare ko Chloe ah." singit naman ni Joshua na inakbayan si Janine. Napangiti naman ako kay Janine nang makitang inakbayan siya ni Joshua.

"Talaga! Selos ka naman?" pagsakay ko naman sa banat ni Joshua.

"Ako selos?" pangiting tanong ni Joshua.

"Andyan na si Ma'am." sabi naman ni Janine ng makitang papasok na ang teacher namin. At bumalik na sa pwesto ang lahat ng estudyante.

"Mr. Bernal, Mr. Garcia, pinapatawag kayo ng Principal." sabi ng aming teacher nang makapwesto siya sa gitna. At agad naman tumayo ang dalawa para tumungo sa Principal's office.

Bakit kaya sila pinatawag ng Principal? Anong problema?

END OF CHAPTER 13. 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 04:21pm
CHAPTER 14: Transformation

Chloe

Agad namang lumabas ang magkaibigang si Cyrus at Joshua patungo sa Principal's office. Nakakapagtaka naman kung bakit sila pinatawag? Hindi naman sila nakipagaway? Wala ni sinuman sa aming klase ang may ideya kung bakit sila pinatawag. Tinanong naman ni Ericka si Ma'am Sedigo kung bakit nga ba.

"Excuse me ma'am, bakit po pinatawag sina Cyrus at Joshua ng principal?" pagtatanong nito.

"It's none of your business Ms. Reyes. Ok class, go back to your seats and we will start a new lesson." pagsusungit naman ni ma'am.

Ang sungit talaga niya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit walang nanliligaw sa kanya kahit medyo maganda at bata siya. Biruin ba naman naaalala ko pa noon first day ng klase niya sa amin ay nagpaquiz agad. Wala pa naman kaming kaideideya kung tungkol saan ang subject na itinuturo niya. Banas na banas talaga ang buong klase sa kanya ng mga panahong iyon.

----

Narrator

Pagdating ng magkaibigan na sina Joshua at Cyrus ay agad silang pinaupo ng Principal.

"What are we going to talk about Mrs. Ranillo?" pagtatanong ni Cyrus sa principal.

"Ok. We'll be joining an inter-school competition this Wednesday and I assign the both of you to join the essay writing contest. So prepare yourselves because you'll be there until friday." sabi naman ng principal.

"But Mrs. Ranillo, Mariel is much better than me, in fact she's the candidate for valedictorian. If you don't mind ma'am, may I refuse that opportunity?" halatang pagtanggi naman ni Joshua na ikinagulat ng kaibigan niyang si Cyrus.

"Are you sure Mr. Garcia?" pagkukumpirma naman ng kanilang principal.

"Yes ma'am. Because I have other plans for this week. I'm sorry ma'am." sagot naman ni Joshua.

"Ok. No problem. How about you Mr. Bernal? Are you also refusing the opportunity? It might help you to grab the valedictorian spot." pagtatanong ng principal kay Cyrus.

"No ma'am. I'll join." pagtanggap naman ni Cyrus.

"Thank you. You may go now. Kindly tell Ms. Mendez (Mariel) to go to Principal's office after class." pagpapaalam naman niya.

Lumabas na ang magkaibigan at nag-usap habang naglalakad pabalik ng classroom.

"Bakit mo tinanggihan Josh?" tanong ni Cyrus.

"Sasali kasi ako sa dance event next week." sagot ni Joshua.

"Kaya pala. Sayang yun kung tinanggap mo baka maging 1st honorable mention ka." panghihinayang naman ni Cyrus.

---- 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 04:22pm
----

Chloe

Maya-maya ay dumating na ang magbespren. Hindi naman sila mukhang napagalitan ng principal sa halip si Joshua ay mukha pang masaya.

"Joshua, bakit kayo pinatawag ng principal?" pagtatanong ko kay Joshua.

"Chismosa ka rin ano? Hahaha." pagbibiro niya. Binalik pa ang sinabi ko sa kanya kanina talaga naman tong lalaking toh.

Natapos na ang araw pero hindi ko parin alam kung bakit sila pinatawag ng principal. Ayaw naman kasi akong sagutin ni Joshua, nahihiya naman akong magtanong kay Cyrus.

Hanggang sa kinausap na nga ako ni Cyrus.

"Chloe, mawawala ako ngayong miyerkules hanggang biyernes ah." sabi niya sakin.

"Ha? Bakit? Nasuspend ka ba? Ano dahilan?" pagkagulat ko namang tanong sakanya.

"Hindi. Sasali kasi ako sa essay writing. Wag ka manlalalake ah." pabiro niyang sinabi sakin.

"Aba. At bakit naman wag akong manlalalake?" tanong ko sakanya. Ano ba toh? Bakit ganyan siya kung makapagsalita? Nakakalito tuloy. Ayaw ko namang mag-assume. Kainis ah pero kinikilig ako. Hahaha!

Ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Oy, ano ba kayong dalawa diyan uwi na tayo!" muli nanamang pang-iistorbo ni Joshua sa moment namin.

"Tara Chloe." pag-aaya ni Cyrus.

"Sige mauna na muna kayo sa labas. Sunod nalang ako mag-aayos pa ako ng gamit eh." sagot ko sa kanya dahil hindi ko pa pala nailalagay ang sulat ko para kay Superman.

Nang maayos ko ang gamit ko at mailagay ang sulat ko ay sumunod naman ako agad sa kanila sa labas.

---- 

Page « 6 7 8 9 10 »
 
Love and Relations Forum
Forum Index
Home