Page « 4 5 6 7 8 »
(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 03:49pm
Lumipas ang sabado't linggo pero gulong-gulo parin ang isip ko. Lumaki na ang eyebags ko kakaisip. Ang sakit na sa ulo. Pagpasok ko sa classroom ay si Joshua ang sumalubong sakin. Ang aga ng lokong toh ah, himala.

"Chloe..." pagbati ni Joshua sakin na parang may sasabihin.

"Oh baket panget?" sagot ko naman sakanya.

"May... may...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
IPIS!!!" sabi niya sabay hagis sakin ng isang laruang ipis. Sa gulat ko ay napahiyaw ako ng malakas na rinig ata hanggang sa kabilang dulo ng building. Ang aga-aga nambubuwisit na si Joshua! Sa inis ko ay hinampas ko siya ng librong hawak ko pero tawa parin siya ng tawa. Hindi ko na siya papansinin kahit kailan!!! Dumiretso ako agad sa locker ko at hindi parin natigil si Joshua sa kakatawa. Kainis talaga!

Pagbukas ko ng locker ko, may nakatuping papel akong nakita.

Ingat ka lagi Chloe!
I care for you so much kahit hindi halata!

Yours truly,
Superman

Tumingin ako sa paligid para malaman kung sino ang naglagay ng note na ito sa locker ko ngunit wala namang kakaiba sa ikinikilos nila. Wala rin naman akong oras para isa-isahin ang mga handwritings nila.

Kahit korni niya, ang sweet ah.
Kinikilig ako.
Sino kaya si Superman? 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 03:51pm
CHAPTER 9: An Invitation

Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung sino nga ba yang si Superman kuno na nagbigay sakin ng note. Wala talaga akong ideya, napakamisteryoso niya. Kaya naman naisipan kong gumawa ng sagot sa sulat niya.

Hi Superman!
Naappreciate ko ung short letter na binigay mo sakin.
So sweet of you.
May i know hu u r? =)

Mamaya ko nalang ito ididikit sa pinto ng locker ko after classes at baka may makakita pa.

Habang nagkaklase may tumawag sakin.

"Chloe.."

Pamilyar ang boses. Nako si Joshua yan. Bahala ka diyan! Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sakin kaninang umaga! Dedmahin na kita forever!

"Suplada ng panget oh.."

May gana pang mang-asar! Never na talaga kitang papansinin! Akala mong Joshua ka!

"Ayaw talagang mamansin oh.. Pakipot pa "

Dedma parin talaga ako sa kanya. Kung anu-anong ginagawa ng loko-lokong si Joshua sakin, ginugulo buhok ko, hinihila uniform ko, kinikiliti ako sa tenga at kung anu-ano pang nakakairita pero waepek parin. Hindi ko parin siya pinapansin kahit medyo napipikon na ako.

"Tama na nga yan Joshua, tigilan mo na si Chloe." pagsingit ng aking prinsipeng si Cyrus. At tumigil na nga si Joshua sa mga pinaggagagawa niya. Under pala ni Cyrus itong si Joshua eh, sa isip-isip ko habang napapangiti ng kaunti.

Maya-maya'y tumabi sakin si Cyrus. Habang nakikinig kami sa teacher ay may iniabot siyang papel habang natatawa.

Isang drawing ang laman.

Chloe Sunget!

Aba lokong Cyrus toh ah. Pagtripan ba naman ako. Makaganti nga. Kaya nagdrawing din ako at iniabot sakanya.

Cyrus Manhid! Hahaha!

Nang maiabot ko ang drawing ko natawa si Cyrus, aba yabang ng lokong toh! Hahaha.

"Ako ba yan?" tanong ni Cyrus.

"Oo kaya! Yabaaaang. Hmp." pabiro kong sagot sakanya.

"Ang cute nga eh! Hahaha. Kala ko si Mojacko. Bakit manhid ha?" tanong niya muli sakin.

"Eh di kamukha mo pala si Mojacko! Hahaha. Bleh! Gusto ko manhid eh. Hahaha." sagot ko sakanya.

"Manhid pala ah. Eh di sana, wala akong nararamdaman para kay-"

At biglang nagring ang bell.

"Ok. Class Dismiss." sabi ng aming teacher.

Hindi na naituloy ni Cyrus ang sasabihin niya at napangiti na lang at bumalik siya sa kanyang upuan. Wa! Wrong timing! Sino kaya ung sasabihin ni Cyrus? May gusto pala siya. Kainis bakit ba kasi nagbell! Eh di sana kilala ko ang kaagaw ko kay Cyrus ko. Hay. Gusto parin kita kahit iba ang gusto mo.

Nako. Eto nanaman si Joshua, nangungulit nanaman. Kinakalabit ba naman ako tapos nagkukunyaring hindi siya ung nangalabit. Duh? Siya lang naman ung nasa likod ko. Bahala ka.

At muli nanaman akong kinalabit.

"Joshua ano ba! Nakakainis ka na ah! Tigilan mo na nga ako! Humanap ka ng ibang mapagtitripan mo pwede?!" painis kong sabi.

"Bakit Chloe? Kaaway mo si Joshua?" tanong ni Cyrus sakin. Siya pala ang nangalabit. At eto namang si Joshua tawa ng tawa.

"Ayan kasi. Pahiya konti." sabi ni Joshua habang natawa ng malakas.

"Wala yun Cyrus. Pasensya na. Bakit nga pala?" tanong ko kay Cyrus.

"Kain na tayo Chloe." sagot niya sakin.

"Tara kain na tayo panget!" sagot naman ni Joshua.

"Hindi sige Cyrus. Kina Janine nalang ako sasama kumain." pangiti kong sagot kay Cyrus at pasimangot namang tingin kay Joshua habang papunta ako kina Janine.

Sa canteen habang nakapila ay eto nanaman si Joshua nangungulit nanaman.

"Chloe, sorry na oh. Hindi ko naman alam na takot ka sa ipis eh." paghingi ng sorry ni Joshua pero hindi ko parin siya pinapansin.

"Sorry na talaga oh, please?" muli niya sinabi pero wala parin hanggang sa nakabili na ako ng pagkain hindi ko parin siya pinapansin. Pabalik na ako sa inuupuan namin nila Janine ng may sumigaw.

"Chloe Yu! Sorry na oh!"

Natahimik ang lahat dahil sa lakas ng sigaw. Rinig sa buong canteen. Lumingon ako para tignan si Joshua. Aba nakaluhod ang loko. Hindi na siya nahiya na pinagtitinginan siya ng lahat ng tao na nasa canteen. Wala akong nagawa kundi puntahan siya dahil ako ang nahihiya para sakanya.

"Tumayo ka nga diyan panget." sabi ko sakanya sabay hila ko patayo.

"Bati na ba tayo Chloe?" nakangiting tanong ni Joshua.

"Siguro." sagot ko sakanya habang hindi ko alam bakit ako napapangiti ng kaunti at umalis na ako.

Bumalik na uli kami sa dati ni Joshua. Nang-aasar parin siya pero hindi na ako naiinis sa pang-aasar niya. Normal na uli.

Uwian na. At idinikit ko na nga ang sagot ko sa sulat ni Superman.

Lumipas ang buong araw kahapon at may pasok nanaman. Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok ngayon. Pagkapasok ko ng classroom ay direcho ako ng locker upang icheck kung sumagot ba si Superman sa letter ko. Nawala ang papel na nakadikit sa locker ko. Siguro nakuha niya, sa isip-isip ko. Natuwa ako nang may nakita akong papel kaya agad ko naman itong binasa.

you'll know hu am i at the right time.
i'm still saving a lot of guts to reveal myself and my feelings for you.
time will come.

Yours truly,
Superman

Gosh! Sino kaya tong si Superman? Nakakabaliw siya ah! Ang nasa isip ko kasi si Cyrus toh eh. Para kasing ang talino niya. Sana si Cyrus nga siya. Maiinlab na ata ako ng tuluyan sa kanya. Bahala na! Pagkabasa ko ng sulat ay agad naman akong umupo at gumawa ng response.

Naks naman!
may paright time right time pang nalalaman si Superman oh!
just let me know if that 'TiME' has already come.
i'm really interested to know u! 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 03:52pm
Mamaya ko nalang uli uwian ididikit itong post-it note ko. Excited na tuloy akong pumasok para bukas. Nagmasid-masid ako sa paligid at napansin kong wala ang magbespren na sina Cyrus at Joshua. Kaya tinanong ko ang kaklase naming si Louie na medyo malapit din sa kanilang dalawa.

"Louie! Asan ung magbespren?" tanong ko sakanya.

"Sina Cyrus at Joshua ba? May tune-up sila ng basketball sa ibang school eh. Varsity kasi ung mga un. Hindi mo pa pala alam?" sagot niya sakin.

"Varsity pala sila. Akala ko si Cyrus lang. Wala kasi sa ichura ni Joshua na marunong sa sports. Mukha kasing puro kalokohan lang alam niya." pabiro kong sabi kay Louie.

"Loko ka Chloe. MVP kaya last inter-school competition un si Joshua. Si Cyrus naman ung Finals-MVP. Sayang nga hindi dito ung tune-up! Gusto ko sana manood eh." pagkukwento niya sakin.

"Ang galing naman nila! Sayang nga! Sana napanood ko sila kung paano maglaro. Salamat Louie ah!" pasasalamat ko sa kanya.

Lumipas nanaman ang buong araw at napakaboring ng araw na ito. Wala kasi ang prinsipe ko. Pasalamat nalang kay Superman at nagkaron ng halaga ang araw kong ito.

Kinabukasan ay agad ko na namang ichineck ang locker ko. Nawala uli ang sulat sa pinto nito ngunit.. Wala akong nakitang papel sa loob. Nalungkot talaga ako. Inisip ko nalang na baka pagod siya kahapon sa basketball game nila kaya hindi nakagawa ng sulat.

Maya-maya'y lumapit sakin si Joshua.

"Gooood Morning Chloe!!" masayang masayang bati ni Joshua sakin.

"Aba ang saya mo ata ngayon panget ah!" pabiro kong sinabi sakanya.

"Siyempre naman! Nakita na uli kita eh! Namiss mo ba ako? Kasi ikaw miss na miss ko!" sabi niya sakin.

"Ako miss niyan! Hahaha." singit ni Cyrus sa pag-uusap namin.

"Mga loko kayo. Wala akong namiss sainyo noh! Akala niyo ah." sabi ko sakanila na sa totoo'y namiss ko nga si Cyrus at si Joshua naman? Hmm. Ewan ko. Hahaha.

"Chloe.." pabulong sakin ni Joshua.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

Kumuha si Joshua ng papel at nagsulat. Matapos magsulat ay iniabot niya sakin ang papel.

Chloe, Labas tayo bukas.
Saturday naman. Payag ka ba?
Kasama naman si Cyrus eh.

Hindi ko alam ang isasagot ko?
Papayag ba ako o hindi?

END OF CHAPTER 9. 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 03:54pm
CHAPTER 10: The Unperfect Set-up

Medyas
A Love Story
HOME
BOOK 1
BOOK 2
Monday, January 2, 2012
Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
5:03 AM | Posted by ceezza

The Unperfect Set-up

"Uy Chloe." pagtawag sakin ni Joshua ng makitang napapatulala na ako. Panu ba naman nakakagulat, bigla nalang silang nag-aaya. Hindi ako nakapagready nasurprise tuloy ako.

Ang isinulat ko sa papel:

Libre niyo ko? Hahaha!

Pero joke joke lang yan. Tingnan ko lang reaksyon ng Joshuang toh.

Ang isinagot naman niya habang natatawa:

Wag ka nalang pala sumama.

Aba loko toh ah. Pero binura din niya agad.

Wag ka nalang pala sumama. Oo ba! Sama ka na ah. Antayin kita bukas!

Matapos niya isulat ang sagot niya ay agad na siyang umalis. Aba wala pa kong sinabing sasama ako ah. Pero sige na nga, wala rin naman akong gagawin sa bahay nila tita bukas eh.

Pagkagising ko ng sabado ng umaga, nakita kong may nagtxt sa cellphone ko.

1 message
received

bkas ah!
antyin kta!
ha? ha? ha?

Sender:
Unknown Number

Sino kaya itong nagtext sakin kagabi? Mareplyan nga.

cnu toh?
wer did u get my number?

After 1 minute nagreply siya agad.

uy! good morning!
admirer mo ko! hahaha!
secret n kng sn ko nkuha # m.. =P

Sender:
Unknown Number

Aba sino ba toh. Loko toh ah.

nyeh ang korni m ha,
aga aga wg m q inisin nakuuu..
pag nlmn q kng cnu k lagot k skin!

At nagreply siya uli.

khit prin pla s txt highblood ka!
hahaha! ung crush mo toh.. si joshua..
mamaya ha! antay kta s sinehan..
bwal injan! =P

Sender:
Joshua

Nagreply naman ako.

kya nmn pla nkkhighblood eh..
kw pla yn joshua.. kpal, crush k jan!
ok.. peo pg nauna q sainyo uwi n q..

At hindi na siya nagreply. Nag-ayos narin naman ako para mamaya. 

(x)fkenkath Apr 13rd 2012, 04:00pm
Pagkarating ko sa may sinehan ng mall ay agad ko namang nakita si Joshua. Aba aga ng loko ah. At nilapitan ko siya agad.

"Uy Chloe! Ganda mo ngayon ah." pagbati niya sakin.

"Korni mo talaga. Teka, asan si Cyrus?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko nakikita si Cyrus sa paligid.

"Hindi daw siya makakarating eh. Tinatamad na daw siya." sagot sakin ni Joshua.

"Ganun ba. Eh di uwi nalang tayo." pag-aaya kong umuwi.

"Ha? Bakit? Nakabili na ako ng ticket natin oh." pagtatakang tanong ni Joshua.

"Tayong dalawa lang?" sagot ko sakanya.

"Oo. Anong masama? Pero pag kayong dalawa lang ni Cyrus, ok lang sayo. Ganyan ka naman eh." pagtatampong sabi sakin ni Joshua.

"Eh di tara na. Tatampo tampo ka pa diyan. Hindi bagay noh!" sagot ko sakanya. At ngumiti na si Joshua.

Kalalaking tao nito A Very Special Love ang biniling ticket. Natatawa ako. Hahaha. Nakakahiya naman toh. Kaming dalawa lang. Baka kung anong isipin ng mga tao. Cyrus kasi eh, hindi pumunta. Siya pa naman ang dahilan bakit ako sumama, di bale na nga nandito na eh.

"Ayan, hindi tuloy natin naumpisahan." panghihinayang na sumbat sakin ni Joshua nang makapasok kami sa loob ng sinehan.

"Eh di labas na tayo. Hindi naman natin naumpisahan eh." pag-aaya ko muli sakanya dahil hindi talaga ako komportable na kaming dalawa lang.

"Hindi.. Hindi.. Ulitin nalang natin. Ito naman." pagtanggi niya.

At umupo na kami at nanonood. Tahimik. Seryosong-seryoso sa panonood si Joshua ah. Nakanang. Ilang sandali pa ay nagsalita na siya.

"Chloe sandali lang. CR lang ako ah." pagpapaalam ni Joshua.

"So iiwan mo ko dito? Ganon?" pagbibiro ko sakanya.

"Gusto mo lang sumama eh. Bawal babae dun sa CR namin. Hahaha." sagot naman niya sakin.

"Umihi ka na nga. Baka magkalat ka pa dito." sabi ko sakanya. Lokong yun, nabalik pa tuloy sakin ang pagbibiro ko.

Ayan na, ikikiss na ni John Lloyd si Sarah! Shocks!

Ay! May nagtakip ng mata ko!!!

"Joshuaaaa!!! Ano ba! Magkikiss na sila eh! Bastos ka talaga!" naiinis kong sabi dahil tinakpan niya ang mata ko mula sa likod.

"Anong Joshua? Hahaha. Sensya na Chloe. Kala ko natutulog ka lang eh." natatawang sagot ng nagtakip ng mata ko habang nag-ooberdabakod sa upuan.

"Cyrus?!" pagulat kong tanong sakanya habang bigla akong kinabahan.

"Bakit? Ayaw mo? Sige alis na ako." sagot niya sakin habang patayo sa kinauupuan niya.

"Hindi! Ito naman. Nagulat lang ako kasi andito ka." hinawakan ko ang braso niya at pinigilang umalis.

"Nag-dadate kayo ni Joshua ah." pangangantiyaw niya.

"Hindi ah! Wala ka kasi eh." sagot ko naman sakanya.

"Anong wala? Andito ako oh." pagbibiro niyang sinabi sakin.

"Andito ka na pala Cyrus. Mukhang masayang-masaya agad kayo ah. Kanina ang tahimik niyan ni Chloe." sabi ni Joshua na kababalik palang galing C.R. Natahimik nalang kaming dalawa ni Cyrus at nanood.

"Ay... Wala nang popcorn." sabi ko nang maubos ang kinakain naming popcorn.

"Saglit bibili ako." sabi ni Joshua.

"Hindi Josh. Ako na." pagpigil naman ni Cyrus sa bestfriend niya.

"Chloe anong gusto mong bilhin ko?" pagtatanong sakin ni Cyrus.

"Ikaw, ano bang gusto mo?" pabalik kong tanong sakanya.

"Ikaw..." nakangiting sagot niya sakin habang nagkatitigan kami saglit.

"Ay! Natapon ung iced tea ko!" sigaw naman ni Joshua.

"Sai, pabili naman ng inumin oh! Salamat!" pahabol niya.

"Sige. Kahit anong pagkain nalang bibilhin ko ha." sagot ni Cyrus habang palabas ng sinehan.

Kaasar naman talaga tong Joshua na toh! Nagkatitigan na kami ni Cyrus eh sabay natapon pa ung iced tea niya! Sayang bitin. Hay!

"Ang bait bait ni Cyrus noh?" pagkukwento ko kay Joshua.

"Ang bait bait ni Cyrus noh?" panggagaya niya.

"Sino bang bumili ng ticket mo?" pahabol na tanong niya sakin.

"Eh di babayaran ko." sagot ko sa kanya.

"May sinabi ba akong bayaran mo?" tanong niya muli sakin.

"Wala.." sagot ko sakanya.

"Oh bakit mo babayaran?" tanong niya muli sakin.

"Nanunumbat ka eh." sagot ko muli sakanya.

"May ebidensya kang nanunumbat ako ha?" tanong nanaman niya.

"Ewan ko nga sayo! Sige na mabait ka na!" sagot ko uli sakanya.

"Bakit galit ka?" tanong niya sakin.

"May sinabi ba akong galit ako?" pabalik kong tanong sakanya.

"Oh nag-aaway kayo?" tanong ni Cyrus habang iniaabot ang iced tea ni Joshua.

"Sai, si Chloe nang-aaway. Bastedin mo nga." sagot ni Joshua.

"Loko." napangiting sagot ni Cyrus.

Muli na namang tumahimik at kami ay nanood. Di naglaon ay natapos narin ang pinapanood naming palabas. 

Page « 4 5 6 7 8 »
 
Love and Relations Forum
Forum Index
Home