UTOS NG HARI

Submitted By: mx_asylum
Date: 07Feb10 06:06:18 pm

by: JUN CRUZ REYES

“See you in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin.



Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman maikatwirang “paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit.” Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain yung pulang ballpen.



Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang
next
Page 1 of 25
Jump to page

FastRead
Comments(1)
Love Stories PH
Register Help
Script Timer 0.10374s